Sa isang vlog, ikinuwento nina Diego, Jessica at Max kung anong klaseng ate si Janine Gutierrez. Ibinisto rin nila kung ano ang tinatawag na "pastillas moment" ni Janine.
Sa naturang video, makikita ang closeness ng magkakapatid kung saan naglaro pa sila ng "Who's More Likely To..."
Dito napag-usapan ang "pastillas moment" ni Janine kung saan siya umiiyak.
"Naiiyak kasi ako, tas kumakain kasi ako ng pastillas noon, and then I suddenly cried," kuwento ni Janine.
"Then they asked 'why are you crying?' Then I said, 'Nabilaukan ako sa pastillas.' So, from then on, 'pastillas moment' is... (yung iiyak ka pero iba ang sasabihing dahilan)," paliwanag ng aktres.
"Gets niyo ba? Ibig sabihinin pag malalim talaga 'yung kinalulungkot niyo, so kunyari nabilaukan ka," dagdag ni Janine.
Tungkol sa pagiging ate, sinabi ng kaniyang mga kapatid na mabait at masipag.
"Si ate kasi she’s the one who tells us to do our homework, get our stuff done, fix your bed, fix your cabinet," ayon kay Jessica. --FRJ, GMA News