Sa unang pagkakataon, sinagot ni Heart Evangelista ang isang netizen na tumawag sa kaniyang "out of touch" at "privileged" sa social media.
Nag-post ang Twitter user ng mga screenshot ng Instagram posts ni Heart kung saan nagsusuot ang aktres ng mga stylish na protective gear.
"The out of touch privileged, in the context of race and class, is a problem not only in the U.S., but in the Philippines as well," saad ng Twitter user.
Ni-retweet ito ni Heart at sinabing, "YOU have caused me so much sadness."
Ayon kay Heart, hindi tama na gamitin ang kanilang mga ginagawa para manakit. Pero sa kabila nito, kabutihan pa rin ang hangad niya sa nanakit ng kaniyang damdamin.
"I [honestly] don’t know what to do about myself.2 days you’ve been at it.I express myself through my art and fashion.I have not done anything wrong. Using my image to create hate is wrong... still I will wish you well. God bless," sabi ni Heart.
Sa hiwalay na tweet, inihayag ng aktres na, "This is me and I will never pretend to be someone I’m not .I will not live my life unhappy no matter how things get .I will fight for what’s right in my heart and I will use all the love I know for a purpose. Life is too short People...you never know."
YOU have caused me so much sadness.I honesty don’t know what to do about myself.2 days you’ve been at it.I express myself through my art and fashion.I have not done anything wrong .Using my image to create hate is wrong... still I will wish you well.God bless https://t.co/lwldMAeCP1
— LoveMarie O. Escudero (@heart021485) June 4, 2020
Minsan na ring naging paksa ng diskusyon si Heart sa online nang punahin ng ilan ang kaniya umanong "toxic positivity" at "insensitivity," at iba pa.
Ngunit sa panayam ni Jessica Soho kamakailan, sinabi ng fashionista at style icon na hindi perpekto ang kaniyang buhay, tulad ng iniisip ng iba.
"Porke't nakikita ka nilang maganda 'yung suot mo o porket nakikita nila maganda 'yung bag mo you're living the life. Feeling nila okay ka lang saktan... 'Masaya naman 'yan eh, kaya kahit laitin ko 'yan wala naman 'yan sa kanya.' [Pero] hindi ganon yun eh," sabi ni Heart.
Inihayag ni Heart na nagkaroon siya ng mild depression nang makunan siya at mawala ang kambal niya, pati na rin anxiety na nagdulot sa kaniya ng Burning Tongue Syndrome.
Sa kabila ng kaniyang mga personal na isyu at natatanggap na pambabatikos sa online, tumutulong pa rin si Heart sa kaniyang sariling pamamaraan ngayong pandemic.
Nag-donate si Heart ng pera at groceries sa mga taong nangangailangan, at nagpadala rin ng mga pack ng Vitamin C sa mga guard, Grab rider, at hospital staff.
Tutulong din si Heart sa mga estudyante sa pagbibigay ng mga tablet para matulungan sila sa kanilang online schooling. --FRJ, GMA News