Humingi ng paumanhin ang ahensiya ni Lisa ng BLACKPINK matapos umanong maloko o mai-scam ang kanilang talent ng dati niyang manager na nagkakahalaga ng 1 bilyong won o tinatayang katumbas ng $816,000.00
Sa website na Soompi, binanggit nito ang ulat ng Market News na ginamit ng dating manager ni Lisa ang ilang koneksyon at tumanggap ng pera, at nagpanggap pang tutulungan si Lisa sa real estate pero ipinangsugal lang daw ang pera.
Kinumpirma naman ng YG Entertainment, ahensiya ni Lisa, ang lumabas na ulat at humingi sila ng paumanhin sa inilabas na pahayag.
"After looking into the matter, we confirmed that Lisa was a victim of fraud by former manager 'A'," saad ng YG.
Sinabi pa ng YG Entertainment na nais ni Lisa na magkaroon ng mabuting pag-aayos, dahil pinagkatiwalaan niya rin ang dati niyang manager.
"Manager “A” has reimbursed a part of the sum and has left the company after agreeing on a reimbursement plan for the rest of the sum," sabi ng YG.
"We bow our heads and apologize for causing concern to the fans who love our artist."
"We are very embarrassed by 'A’s' behavior of taking advantage of his trust with the artist, and we feel responsible for the management and supervision [of our staff]," saad pa ng YG Entertainment.
"We are taking preventive measures so that this does not happen again.” -- Jamil Santos/FRJ, GMA News