Inihayag ni Shaira Diaz na naging mahirap para sa kaniya ang kaniyang studies nang maapektuhan ito ng community quarantine.

"Medyo mahirap, naging online class kasi kami. Nagkaroon ng lockdown during the midterm to finals. Bale 'yung sa midterm maraming naiwan kasama na du'n 'yung mga exam," kuwento ni Shaira sa Kapuso Showbiz News.

"Para sa akin nahirapan ako kasi siyempre iba pa rin 'yung papasok ka face-to-face na may prof na magtuturo sa 'yo. Medyo nakakalito lang kasi mahirap, kailangan mo pang i-chat 'yung mga classmates mo, 'yung prof mo para lang i-make sure kung tama ba 'yung gagawin mo, walang nag-explain sa'yo kung paano ba dapat," sabi pa ng Kapuso actress.

Isang Marketing student si Shaira sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City.

Dagdag pa ni Shaira, natambakan siya at ng kaniyang mga kagrupo ng gagawin tungkol sa kanilang business plan.

Nagpa-survey naman daw ang kaniyang paaralan kung pabor ang mga estudyante at mga magulang sa online class.

Inihayag naman si Shaira na may alinlangan din siya sa tungkol sa online classes. Alamin ang kaniyang paliwanag.--Jamil Santos/FRJ, GMA News