Arestado ang misis ng aktor na si Matt Evans, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Sa bisa ng warrant of arrest, dinakip ng Makati City Police sa kasong estafa si Riza Katrina Evans. P30,000 ang inirekomendang piyansa ng korte.

Nakakulong ngayon si Evans sa Makati Police Headquarters.

Wala pa siyang pahayag. — KBK, GMA News