Si Patricia Javier ang hinirang bilang Noble Queen Universe 2019 sa grand coronation na naganap sa Centennial Hall ng Manila Hotel nitong Linggo ng gabi, December 1.

Humakot din si Patricia ng special awards at siya rin ang crowd favorite sa beauty pageant with a cause na nilahukan ng 21 kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

First runner-up si Ritchell Catt ng Guam at 2nd runner-up si Sylvia Kim ng Korea.

Miss Noble Queen Earth si Jill Chapman ng West Coast USA, Miss Noble Queen Tourism si Anna Robtsun Baylosis ng Russia, at Noble Queen Globe ang Australian representative na si Beau Villanueva, at Noble Queen International si Maria France Imelda Papin Carrion.

Tumagal ng anim na oras ang coronation night ng 1st Noble Queen Universe dahil napakahaba na programa at pagbibigay ng Most Prominent Women Empowerment recognition sa ilang mga kababaihan.

Kabilang sa pinarangalan sina Gladys Reyes, Pokwang, Sanya Lopez, at Ara Mina.-- For the full story, visit PEP.ph