Ikinuwento ni "Hipon Girl" Herlene sa programang "Mars Pa More" ang kaniyang paranormal experience noong 13-anyos siya habang umihi sa isang eskinita kung saan may nakita siyang tila "demonyo" ang hitsura.

Ayon sa sexy host ng "Wowowin," parang ginagaya umano siya ng nakita niyang "nilala" na kulay pula, maraming balbas, mahaba ang buhok, mataas at tila lalaki.

Pero paliwanag ng paranormal expert na si Tony Suvega, hindi ito demonyo kundi isang kaluluwang-gala ng isang lalaki ang kaniyang nakita at sinisilipan siya.

Panoorin ang buong kuwento ni Herlene at pati na rin ang iba pang kuwentong kababalaghan ng "Huwow Girls."

--Jamil Santos/FRJ,  GMA News