Binasag ni Marjorie Barretto ang kaniyang katahimikan hinggil sa napabalitang komprontasyon nila ng mga kapatid na sina Gretchen at Claudine sa burol ng kanilang ama. Nag-iwan din siya ng pakiusap sa publiko.
Sa kaniyang Instagram, mariing binatikos ni Marjorie ang mga umano'y sa kasinungalingan ibinabato sa kaniya at kaniyang pamilya.
"Giving false statements to the press, and twisting stories about what really happened in my Father’s wake is by far the most epic one," saad ni Marjorie, na ilalantad daw ang katotohanan pagkalibing ng kaniyang ama.
"Because when I speak the truth, my life and my children’s life will be put in danger. My sisters boyfriend is powerful in a very bad way( and I don’t mean Tony Boy) And in speaking the truth I won’t be able to leave his name out," dagdag pa niya.
Pero sa ngayon, nakiusap siyang hayaan na muna silang makapagluksa sa pagkawala ng kanilang ama.
"May I request everyone to allow our family to grieve, it’s our last day with our Father today. Please hold your judgement and opinions until he is laid to rest,then WE WILL FOR THE FIRST TIME SPEAK THE WHOLE TRUTH AND NOTHING BUT THE TRUTH," bahagi pa ng kaniyang post.
Pumanaw ang ama nina Claudine, Gretchen and Marjorie na si Miguel nitong Martes matapos ang ilang linggo ng pagkaka-confine sa ospital. Matapos ang matagal na panahon na pagkakalayo sa pamilya dahil sa iringan sa mga kapatid at magulang, nagtungo sa burol ng ama si Gretchen, at nakasabay pa sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go.
"We were hoping for that all those 16 days that my Father was fighting for his life in the hospital.It would have been nice if she made her peace in the quiet of my Fathers room. With no cameras. Don’t be fooled by the statements of my sisters, they are leaving out a very important detail of what really caused pain and tension in the wake," saad ni Marjorie.
Bagaman nakitang nagyakap sina Gretchen at nakahidwaan din niyang ina sa naturang burol, hindi naman umano naging maayos ang lahat kina Gretchen at Marjorie.
Humingi rin ng paumanhin si Marjorie kay Pangulong Duterte, na nadawit sa umano'y away ng kanilang pamilya.
READ: Claudine Barretto, may 'palaisipang' mensahe sa IG post
Bago nito, nag-post naman ng mensahe si Claudine na naging palaisipan sa kaniyang mga follower.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News