Isang obra ng actor-politician na si Ormoc City Mayor Richard Gomez na kasama sa art fair na ManilArt 2019, ang naging kontrobersiyal at nakakuha ng atensyon maging ng netizens. Ang naturang painting na makikita ang isang maselang bahagi ng katawan ng lalaki na kulay dilaw, may titulong "OOOOHH."

Ipinost ng netizen na si Jayvee Araneta ang larawan ni Richard habang nasa tabi ng kaniyang kontrobersiyal na obra sa naturang art fair,  na nagbukas nootng October 9 at natapos nitong Linggo sa SMX Convention Center.

Nakasaad sa caption ng post na, "Hello mga artist kong friends, kuha lang kayo malamig na beer jan sa ref, sisig pulutan tapos upo kayo sa tabi ko pag-usapan natin gawa ni Richard Gomez sa Manila art 2019."

Ayon sa ulat ng PEP.ph, ang naturang obra ni Richard na "OOOOHH" ay nagkakahalaga ng P196,000.

Sa text interview ng GMA News Online, ipinaliwanag ng alkalde ang kaniyang obra na, "self-explanatory. Given a deeper thought, it shows lust, self pleasure and power."

Ibinahagi rin ni Richard na 1990's pa lang ay gumuguhit na siya at mahilig din mangolekta ng painting. Noong December 2017, isinagawa niya ang kaniyang unang nagsagawa siya solo exhibit.

"I've been collecting works from painters since the '80s when I started working and earning money. Most of what I've bought are still with me up to now," ayon sa alkalde.

Bago nito, nagbigay din ng iba't ibang kahulugan mga netizen sa naturang obra at may ilang iniugnay pa ito sa pulitika.-- FRJ, GMA News