Nasa bansa ngayon ang Thai superstar na si Urassaya "Yaya" Sperbund, na bida sa "The Crown Princess." Pero kahit first time niya sa Pilipinas, may koneksyon na raw siya sa mga Pinoy dahil kahit noong bata pa siya ay napagkakamalan na siyang Filipina.

 


Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing si Yaya ang bagong mukha ng Tourism Authority of Thailand sa kanilang Open to the New Shades Campaign.

"When I was younger everywhere, I'd go people would come to me and speak to me in Tagalog because they also always thought I was Filipino. So I'd felt a connection with the Filipinos since I was younger and I'm very happy to be here," masaya niyang kuwento.

Nagpapasalamat ang aktres sa mainit na pagsuporta ng Pinoy fans sa kaniyang mga series tulad ng "The Crown Princess," "Switch,"''Waves of Life'' at marami pang iba.

Kabilang naman sa mga Pinoy food na nais niyang matikman ay ang "halo-halo." Kung mabibigyan ng pagkakataon, balak daw niyang magbakasyon sa bansa at magpunta sa beach, kasama ang kaniyang leading man at real life boyfriend na si Nadech Kugimiya.

"Definitely when there is time we will come. We've been wanting to go to Cebu and beaches here for a long time," saad niya.

Dagdag ng aktresm malaki ang paghanga niya sa kagandahan ng mga Pinay tulad ng mga Pinay beauty queens tulad nina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Nang tanungin kung ano ang reaksyon niya sa mga nakakapansin na kahawig niya si Catriona, tugon ng aktres, "Thank you very much. That's a huge compliment."

Patuloy niya, "Like I said there not just gorgeous women they're also intelligent and I think they embrace women empowerment well."

Tulad ni Thai actor Mario Maurer, bukas din kaya si Yaya sa posibilidad na gumawa ng series o pelikula dito sa bansa?

"Yes. Please don't hesitate to contact us I'd love to. Im all about widening my experiences," ayon sa aktres.--FRJ, GMA News