Inihayag ng Kapuso actress na si Kelley Day na nagkaroon din siya ng interes na sumali sa mga beauty pageant.

"I think, feeling ko I can do it," saad half-British, half-Filipina na si Kelly nang makapanayam sa media conference ng "Dahil sa Pag-ibig" kamakailan.

 

 

"Siguro in the last couple of years lang, nakikita ko 'yung mga pageant, 'yung competitions, so nag-start na akong ma-appreciate 'yung pageantry," saad pa ni Kelly na nasa 5'7 hanggang 5'8 ang tangkad, at dati na ring nagmomodelo.

"Pero I think I just need some more time pa, even just to learn the Filipino culture pa, the language, para if ever na sasali ako, and if I win, at least I can represent the Philippines na," dagdag pa ng aktres.

Inihayag pa ni Kelly na may plano na siyang sumabak sa pageant training.

"Actually 'yung plano ko this time dapat mag-start ako mag-training pero nagkaroon ako ng project dito so, sabi ko, for now, i-take ko muna 'yung project na 'Dahil sa Pag-ibig' and let's see how it goes," sabi niya.

Ginagampanan ngayon ni Kelley ang karakter ni Alison sa naturang serye.

"For me it was worth the wait na part na ako sa project. I'm happy that in the past year nagpa-practice pa ako ng Tagalog ko, nag-acting workshops pa ako, so it was worth it kasi ito ngayon feeling ko mas prepared na ako for a role like this na ganitong ka-intense," kuwento ni Kelly.

Si Alison ang girlfriend ni Gary (Pancho Magno) sa loob ng limang taon, na masasaktan dahil sa mangyayari sa nobyo at kay Mariel (Sanya Lopez).

"When there's big things that happen in my life, I don't really express it through anger or I never shout sa mga tao. Pero dito iba 'yung character ni Alison, like very emotional and very heated siya, so I really have to bring that part out of me," saad niya.

Bukod kina Sanya Lopez at Pancho Magno, kasama rin ni Kelley sina Benjamin Alves, Winwyn Marquez, Tetchie Agbayani at Sandy Andolong sa series.

Inamin ni Kelley na nakararamdam din siya ng pagiging "underdog" kung minsan.

"Siyempre 'yung mga kasama ko sa cast are older than me, ako talaga 'yung bata and I have the least experience sa acting. So I felt, especially at first, I felt like an underdog. So sa confrontation scene where ako 'yung dapat mas powerful kay Sanya, I was nervous pero very supportive si Sanya," ayon sa aktres.

Pero sinabi niya na bahagi ito ng ikatututo ng isang artista.

"I think kapag may role ka sa show, wala kang choice, you have to learn the script, doon ka magpu-push ng sarili mo. Siguro from this show, mas gumaling pa ako," ayon sa aktres.-- FRJ, GMA News