Wala na raw mahihiling pa si Buboy Villar sa masayang buhay-pamilya nila ng American live-in partner niyang si Angillyn Gorens. Pero hindi nawawala ang tanong kung kailan kaya sila magpapakasal ngayong mayroon na silang anak.
"Mahal na mahal ko ang dalawang babae sa buhay ko na si Angillyn at ang baby girl namin na si Vlanz Karollyn," nakangiting bungad ni Buboy, na kasama sa MMFF movie na Otlum.
Aminado si Buboy na marami pa rin ang nagugulat kapag nalaman na may one-year-old baby na sila ni Angillyn.
Marami raw kasi ang nag-aakala na tinedyer pa rin siya pero sa totoo lang ay 20-anyos na siya.
"Yung ibang tao kasi, nasanay silang napapanood ako na bata pa. Kaya feeling nila hindi ako tumanda.
"Well, kinulang po tayo sa height talaga at wala na akong magagawa pa roon.
"Natatawa na lang po ako minsan kapag tingin nila ay bata pa ako. Para lang daw kapatid ko ang baby ko," saad niya.
Nang matanong kung kailan nila balak magpakasal ni Angillyn, sagot ni Buboy, "Nauna kasing nabuntis si Angillyn, kaya pinagpaliban muna namin ang pagpapakasal.
"Sa totoo lang, puwede naman po kaming magpakasal anytime. Pero siyempre, mas maganda kung nasa tamang panahon ang lahat.
"Siguro po, pinagkaloob muna ni Lord na magka-baby muna kami at sunod na ang pag-iisang dibdib namin."
Sa ngayon, uunahin daw ng couple ang pag-aasikaso sa papeles ni Angillyn, na bagamat dito na naninirahan sa Pilipinas ay nananatili pa ring American citizen.
"Pupunta siya sa States para ayusin ang papers niya at ng baby namin. Kailangan kasing ayusin lahat ng papers para na rin sa future ng baby namin, pagtatapos ni Buboy. -- For the full story, visit PEP.ph