Sinabi ni Jasmine Curtis-Smith na may isang request siya sa GMA-7 tungkol sa unang proyekto na tinanggap niya bilang Kapuso.

Inamin ni Jasmine na nang lumipat siya, siya talaga ang namili at nagsabing ang gusto niyang maging unang serye ay drama at hindi fantaserye.

“Totoo,” pag-amin ng former TV5 star.

“Feeling ko kasi, yung una kong latag sa GMA, I wanted it sana yung strength ko. And from there, we’ll see.”

Nagustuhan din daw niya na ang "Pamilya Roces" ay hindi all-out heavy drama. Mas light pa rin.

“Mas konti ang iyakan, so it’s easier sa amin kapag kailangan,” saad niya.

“At least it’s different sa nagawa ko na before.”

Kumusta naman siya sa kanyang bagong home network?

“So far so good,” nakangiting sabi ni Jasmine.

“Wala pa namang anything-- I don’t think na may ikakabahala naman.

“Very warm welcome, nag-guest ako sa Mars, nag-guest na ko sa 24 Oras.”

Desisyon niya ba yun na parang hinay-hinay lang simula nang pumirma siya?

“No, actually I wasn’t sure kung paano namin gagawin ang first guesting, project.

Napag-usapan din naman noong contract signing na may serye na. Hindi lang sure kung kailan ikakasa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa presscon ng "Pamilya Roces" sa Prime Hotel noong October 3.

Kinakamusta rin daw siya ng kanyang Ate Anne Curtis ngayong Kapuso na siya.

"Oo, siyempre she wants to know kung comfortable ba ako. Kung kaya ko ang schedule,” sabi ni Jasmine.

May tips ba para sa kanya si Anne na isang orihinal na Kapuso rin bago maging Kapamilya?

Ani Jasmine, “Wala naman, sabi lang niya enjoy mo lang ‘yan. She has nothing to say but, sige, discover mo ‘yan. Bago mong world. Matanda ka na, 24 ka na.

"Hindi mo na kailangang bigyan ng advice.”

Sinabi rin ni Jasmine na nakaka-relate siya sa takbo ng kuwento ng "Pamilya Roces,"  kung saan tatlo ang pamilya ng karakter ni Roi Vinzon, na tatayong ama nila sa serte.

Saad ng aktres, sa totoong buhay at tatlo rin daw ang naging pamilya ng daddy nila ng kapatid niya si Anne.  Pero ang kaibahan lang daw siguro ay hindi pinagsabay-sabay ng kanilang ama ang tatlong naging ina ng mga anak nito.-- For the full story, visit PEP.ph