Labingpitong tao ang sugatan matapos magkabanggaan ang sinasakyang jeepney at isang mixer truck sa Castilla, Sorsogon.

Ayon sa ulat sa 24 Oras weekend, base sa imbestigasyon kinain ng jeepney ang linya na patungong Sorsogon City, kaya nasalpok ng truck na patungo naman sa Legazpi City. 

Makikita sa video na wasak na wasak ang harapan ng jeepney, habang nakahandusay sa kalsada ang mga pasahero nito. 

Dinala ang mga sugatan sa ospital. — BM, GMA Integrated News