Kahit hindi siya ang first choice sa role na si Amber Balocboc sa upcoming Kapuso series na "Pamilya Roces," natutuwa ni Sophie Albert ang pagkakasama niya sa naturang proyekto.
Mag-iisang taon na mula nang pumirma ng kontrata sa GMA-7 ang dating TV5 artist na si Sophie.
Sa wakas ay nabigyan na siya ng regular show na Pamilya Roces na magsisimulang umere sa Lunes, October 8.
Sa loob ng isang taon, hindi naman nabakante si Sophie dahil nagkaroon siya ng guest appearances sa mga programa ng GMA-7.
Kabilang sa mga programang nilabasan niya ang mga sumusunod: Magpakailanman, The One That Got Away, Daig Kayo ng Lola Ko, Sherlock Jr., The Stepdaughters, at Victor Magtanggol.
Pahayag ni Sophie sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 27, “I really believe in timing.
"Maybe if I had a show earlier, then I’d probably wouldn’t have been ready.
“So it was nice that they were doing it slowly for me.
"I was never nainip because they were always giving me work, hindi lang ako naging part ng regular show ever since I transferred."
Masaya naman ba siya sa takbo ng kanyang career bilang Kapuso?
Tugon niya, “I’m starting from scratch again since moving to GMA.
"I’m pretty happy with the things are going now. I feel like the show is really opening, getting me out of my shell.
“That’s all I asked for naman—to be continuously working and to be learning.”
Ang role ni Sophie bilang si Amber sa Pamilya Roces ang kaniyang biggest break so far.
Originally, ang role ay ibinigay kay Winwyn Marquez, subalit kinailangan niya itong tanggihan para magampanan ang kanyang mga responsibilidad bilang reigning Reina Hispanoamericana 2017.
Hindi rin daw isyu kay Sophie kung hindi siya ang first choice.
“Of course not. It’s a privilege, it doesn’t take away anything from it.
"I am luckier because it was not supposed to be mine," nakangiting sabi ng aktres.
Kasama rin sa "Pamilya Roces" sina Carla Abellana, Jasmine Curtis-Smith, Gabbi Garcia, Rocco Nacino, Manolo Pedrosa, at marami pang iba.-- -- For the full story, visit PEP.ph