Inilarawan ng dating sexy star na si Klaudia Koronel na "madilim" ang naging buhay niya sa Amerika kung saan dumaan siya sa depresyon.
Ayon sa aktres, dumaan siya depression habang hinihintay na maaprubahan ang divorce papers nila ng dating asawa na isang Chinese-American businessman.
Ikinasal ang dalawa noong August 28, 2009 ngunit naghiwalay sila noong 2014, ayon sa ulat ni Rommel Gonzales sa PEP.ph.
“Kung bakit din ako dumaan sa depression, kasi nung July 2014 na na-grant ang divorce namin, iyon din yung buwan at taon na namatay ang father ko.
“Yung nakikiusap ako sa kaniyang, 'Pauwiin mo ako kasi gusto kong abutang buhay ang father ko, naghihingalo na siya,' ayaw niya akong payagan.
“Kaya sabi ko sa kanya, ‘Darating din ang time maiintindihan mo rin kung bakit gusto kong umuwi.’
“Ayaw niya akong payagan. ‘Padalhan mo na lang ng pera,’ sabi niya.
“Pilit kong hinahabol na maabutan ko yung father ko na naghihingalo e, nasa province namin.
“Dine-delay-delay niya ako dahil iniisip niya, ‘Kailangan mong bantayan ang business, e.’
“Sabi ko, wala akong pakialam sa business, kailangan kong dalawin… yung parang nag-aalaga ka ng matanda ‘tapos yung father mo naghihingalo, di ba?”
May adult care home business si Klaudia at ang mister niya noong mga panahong iyon.
Patuloy niya, “Bakit mo pa iintindihin yung matatanda sa Amerika ‘tapos sarili mong… ang tatay ko naghihingalo?
“Umiiyak ako, sabi ko, 'Pauwiin mo na ako...' in the middle of our divorce.
“Kasi ang iniisip niya, yung divorce papers niya kailangan tapusin namin...
"Sabi ko, 'Maiintindihan mo kung bakit iiwan ko yung business ko para lang masagip ang tatay ko.'
“Kasi alam ko na e, kung paano ko aalagaan ang tatay ko.
“Tsaka niya lang ako pinayagan, paalis na ako, nung nasa LA [Los Angeles] ako, naka-receive na ako ng message mula sa mama ko, na yung father ko patay na.
“Pinayagan niya ako pero… paglipad ko mismo, Arizona to LA, LA na-receive ko, patay na ang father ko.
“'Tapos after a week, ayoko lang magsalita na sinumpa ko siya [her ex-husband]... after a week, nagka-cancer yung father niya.
"Two weeks lang, namatay yung father niya.
“Yung 2014 na yun, sobra-sobrang dumaan ako sa depression. Kasi dalawang lalaki ang nawala sa buhay ko.”
Diniborsiyo siya ng asawa niya at pumanaw ang kaniyang ama.
“Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay, hindi ko alam kung paano ako mabubuhay sa Amerika, na wala ang asawa ko, wala na ang father ko,” sabi ng aktres.
Sa apat na taong pagsasama nila, hindi nagkaroon ng anak ang dalawa.
“Ayaw niyang magkaanak kasi parang responsibilidad daw daw yun,” saad niya.
Inamin din ni Klaudia, na hindi naging masaya ang buhay ni Amerika kahit pa nagkaroon nagkaroon sila ng negosyo at inilarawan niya ang buhay doon na "madalim."
“Hindi ko na-appreciate na masaya ang buhay sa Amerika.
“Hindi ko talaga nakikita na maganda ang Amerika, madilim, madilim ang buhay ko nun, madilim talaga.
"Hindi ko naisip na suwerte ako, na nakarating ako ng Amerika… madilim talaga. -- For the full story, visit PEP.ph