Mas open na ngayon si Julie Anne San Jose sa kung anumang relasyon ang mayroon sila ng Kapuso actor na si Benjamin Alves.

“I’m happy, I’m happy,” nakangiting pahayag ni Julie Anne sa ginanap na press conference ng bago niyang seryeng "My Guitar Princess" sa 17th floor ng GMA-7 noong April 26.

Matagal nang sinabi ni Benjamin na gusto niyang maisama si Julie Anne para maipasyal sa Guam.

Pero hindi pa raw siguro ngayon yun dahil pareho rin silang busy.

Paglinaw ni Julie Anne, “Sa ngayon po kasi, we’re focusing on work.

“If ever naman po, wala rin naman pong kaso.

“Ang problema lang po talaga ay time bilang pareho kaming busy.”

May nailalaan pa rin ba silang oras para sa isa’t isa?

“We see each other as much as we can.

“And we both understand naman if hindi kami available or hindi kami puwedeng magkita because we both have work, we’re both busy.

“But we’re okay. We’re good,” paninigurado niya.

Matagal-tagal na rin ang relasyon nilang dalawa ng Kapuso actor. At para kay Julie Anne, ang malalim na pag-unawa ang dahilan kung bakit nanatili silang matatag.

“Understanding, deep understanding,” lahad niya.

May mga conflicts din ba sila?

Lahad niya, “When it comes to relationships naman po, it’s not always rainbows and butterflies.

“So, as much as possible we really, really talk. Constant communication.”

Dugtong pa niya, “And for me naman po, wala rin naman pong problem na hindi napag-uusapan talaga.

“So, like what I said, as much as possible, we really talk about it.”

Sinabi rin ng aktres na hindi rin naman nila kailangang ipakita sa publiko ang tungkol sa kanilang relasyon anumang oras.

“What matters is kung ano yung meron kayo.

“Hindi naman kasi kailangang i-broadcast,” paliwanag niya.-- For the full story, visit PEP.ph