Marami ang namangha at humanga sa viral photo ng kasal nina Maica at Arlo na natiyempuhang nag-aalburoto ang bulkang Mayon. Sa kabila umano ng mga mungkahi na ipagpaliban o ilipat ang kanilang kasal dahil sa sitwasyon ng bulkan, nagpasya silang ituloy ito at maganda ang naging resulta.
At tulad ng mala-picture perfect na wedding photo nila, umaasa sila na magiging perpekto rin ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan.
Alamin ang kuwento sa likod ng kanilang paghahanda sa naturang kasal at maging ang kanilang love story sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News