Naka-two piece bikini at nag-dive sa pool ang eksena sa pagpasok ng karakter ni Solenn Heussaff na si "Iris" sa GMA primetime action series na "Alyas Robin Hood."

Sa report ni Aubrey Carampel sa "Balitanghali " nitong Miyerkules, sinabing hindi nagpakabog si Solenn pagdating sa paseksihan sa kaniyang co-star na si Andrea Torres, na gumaganap naman bilang si "Venus."

Ayon kay Solenn, magiging palaban, sexy with a touch of humor ang kaniyang karakter.

"Parehong maangas siya, pero may konting kwela rin. Tapos funny at the same time. Tonight malalaman nila kung bakit ganyan din 'yung itsura niya, bakit siya pumasok na ganyan," kuwento ni Solenn.

Handa na raw ang aktres na sumabak sa mga action scene, bukod pa sa unang beses niyang makakatrabaho sa serye si Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

"Very professional siya on set. He really takes care of all his co-actors. Minsan kung kailangan nila ng tips, they ask him and he's very open to giving the tips din," saad ni Solenn.

Handa na rin daw siyang makipagsabayan kay Venus.

"Venus, like I said, watch out," natatawang banggit ni Solenn. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News