Sumakabilang buhay na sa edad na 80 ang batikang aktres na si Zeny Zabala.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabi ng mga kaanak ni Zeny o Emerenciana Ortiz Santos sa tunay na buhay, na pumanaw ang aktres noong Martes ng gabi dahil sa kidney failure.

Nakilala si Zeny sa kaniyang kontrabida roles sa mga pelikula ng Sampaguita Pictures noong 1950's.

Kabilang sa mga pelikula na ginawa niya ang "Binibining Kalog" na nakasama niya sina Lolita Rodriguez at Ramon Revilla Sr.

Nalakagak ang kaniyang mga labi sa Paket Santiago Funeral Homes sa Marikina, at nakatakdang i-cremate sa Martes. -- FRJ, GMA News