Ilang celebrities ang apektado ng sumiklab na wildfires sa California, U.S.A., gaya nina Paris Hilton, Jamie Lee Curtis, Mandy Moore, at iba pa.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabing heartbroken si Paris matapos malamang kabilang ang kanilang bahay sa Malibu sa mga nasunog.
“Sitting with my family, watching the news, and seeing our home in Malibu burn to the ground on live TV is something no one should ever have to experience,” saad ni Paris sa caption nang mag-post siya sa social media tungkol sa sinapit ng kanilang bahay.
Nasunog din ang bahay ng singer-actress na si Mandy, base sa kaniyang latest IG post.
Kaniyang latest post, ipinakita ni Mandy ang pinsalang tinamo ng kanilang bahay nang balikan nila ito.
“Miraculously, the main part of our house is still standing. For now. It’s not livable but mostly intact,” saad niya.
Ayon kay Mandy, kasamang nasunog ang studio ng kaniyang asawang si Taylor Goldsmith at kapatid nitong si Griffin. Nadamay rin ang lahat ng gamit sa studio.
“Everyone we know lost everything. Every house on our street is gone. My in-laws. My brother and sister-in-law—six weeks from welcoming their first baby. Our best friends,” dagdag niya.
Nag-evacuate naman dahil sa sunog ang Oscar winner na si Jamie Lee Curtis, ngunit sinabing ligtas siya at ang kaniyang pamilya.
Inihayag niya ang kaniyang lungkot dahil sa wildfire na tumupok sa isang simbahan sa Palisades na may Sunday school at kung saan marami siyang memories.
Magdo-donate si Jamie at kaniyang pamilya ng $1 million para sa relief effort sa wildfire.
Naapektuhan din ang aktor na si James Woods, na ibinalita sa X (dating Twitter) na lumikas na sila matapos ang wildfire.
Apektado rin pati ang actor-comedian na si Eugene Levy.
Samantala, kanselado ang live in-person announcement ng 31st Screen Actors Guild Awards nominees dahil sa wildfire. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News