Isa nang super typhoon si "Leon" (international name: Kong-rey), at isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4 ang lalawigan ng Batanes, at hindi inaalis ang posibilidad na itaas pa sa No.5.
Sa 2:00 p.m. bulletin ng state weather bureau na PAGASA nitong Miyerkoles, inihayag na aabot ang lakas ng hangin sa Batanes sa 118 to 184 km/h sa susunod na 12 oras na maaaring magdulot ng ''significant to severe threat to life and property.''
''The hoisting of Wind Signal No. 5 is also not ruled out should Leon moves to the left of its forecast track,'' ayon sa PAGASA.
EXPLAINER: What is a super typhoon?
Nakataas naman ang Signal No. 3 sa eastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Islands, Camiguin Islands, Calayan Islands).
Nasa ilalim naman ng Signal No. 2 ang:
- the rest of Babuyan Islands
- the rest of mainland Cagayan
- the northern and eastern portions of Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Naguilian, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Mallig, Maconacon, Burgos, City of Cauayan, San Guillermo, Angadanan, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Roxas, Aurora, San Manuel)
- Apayao
- Kalinga
- the northern and eastern portions of Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman)
- the eastern portion of Mountain Province (Paracelis), and Ilocos Norte
Habang Signal No. 1 naman sa mga lugar ng:
- the rest of Isabela
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- the rest of Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- the rest of Abra
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Nueva Ecija
- Aurora
- the northeastern portion of Tarlac (Camiling, San Clemente, Paniqui, Moncada, Anao, San Manuel, Pura, Ramos, Victoria, Gerona, Santa Ignacia, City of Tarlac, La Paz)
- the northern portion of Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel)
- the northern portion of Quezon (Infanta, General Nakar) including Polillo Islands
- Camarines Norte
- the northern portion of Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan)
- the northern and eastern portions of Catanduanes (Pandan, Gigmoto, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Baras, Caramoran)
Sa 1 p.m. bulletin, namataan si Leon sa 310 kilometers east ng Calayan, Cagayan, na taglay ang pinakamalakas na hangin na 185 km/h at pagbugso ng hanggang 230 km/h.
Kumikilos ito pa-northwestward sa bilis na 15 km/h.
Ayon sa state weather bureau, may posibilidad na tumama sa kalupaan ng Batanes si Leon.
"Leon will be closest to Batanes from late evening today to tomorrow morning. A landfall in Batanes is also not ruled out," ayon sa PAGASA.
"This super typhoon will be near or at peak intensity during its closest point of approach to Batanes. The landfall of Leon over Taiwan will result in a continuous weakening trend for the rest of the forecast period," dagdag nito.
Tinataya na kikilos ang bagyo pa-northwestward sa Philippine Sea hanggang sa tumama ito sa kalupaan ng eastern coast ng Taiwan sa Huwebes ng hapon.
Inaasahan na lalabas ng Philippine Area of Responsibility si Leon sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga.
''This super typhoon will be near or at peak intensity during its closest point of approach to Batanes. The landfall of Leon over Taiwan will result in a continuous weakening trend for the rest of the forecast period," ayon sa PAGASA.
Bilang paghahanda, ilang residente na sa ilang lalawigan sa Luzon ang pinalikas, ayon sa ulat ng GMA Integrated News' Unang Balita.
Ilang residente sa Tuguegarao City, Cagayan, na lumikas noong manalasa ang bagyong Kristine, ang nagpasyang manatili na muna sa mga evacuation center hanggang sa makadaan si Leon.
Ang mga nakauwi na, pinayuhan ng lokal na pamahalaan na lumikas muli.
May mga lumikas din sa mga bayan ng Sta. Ana at Baggao.-- mula sa ulat ni Joviland Rita/FRJ, GMA Integrated News