Naglabas na ng rekomendasyon ang House appropriations committee kung magkano ang pondong ilalaan sa Office of Vice President (OVP) ni Sara Duterte. Ito ay makaraang sumulat ang huli sa mga kongresista na hindi niya idedepensa ang pondo ang kaniyang tanggapan at bahala na ang mga mambabatas na magpasya.
Ayon kay Marikina Representantive Stella Quimbo, senior vice chair komite, P733,198 milyon ang inirekomenda nilang pondo para sa OVP, o tapyas na P1.29 bilyon mula sa mahigit P2 bilyon na pondo na inirekomendang ilaan sa opisina ni Duterte.
Nitong Miyerkoles, sinabi ni Duterte na handa silang ipagpatuloy ang trabaho ng OVP kahit walang pondong ibigay sa kanila ang Kongreso.
Ilang beses na ipinagpaliban ng komite na talakayin at aprubahan ang pondo ng OVP para sa 2025 dahil sa pagtanggi ni Duterte na sagutin ang ilang tanong ng mga kongresista kung papaano niya ginastos ang nagdaang pondo ng kaniyang tanggapan, partikular ang confidential fund at gastos sa satellite offices.
“It is really the absence of information. To that extent, her absence did not shed light on many issues, to me, ‘yun sa aking palagay ang naka-affect. It's really the information na kailangan natin i-evaluate,” sabi ni Quimbo tungkol sa inirekomenda nilang pondo para sa OVP.
Ayon pa kay Quimbo, malaki ang pondong nais gastusin ng OVP sa lease expenses para sa mga satellite office at iba pang social programs, na sa tingin ng mga miyembro ng komite ay hindi kailangan at nagagawa na ng ibang ahensiya.
Mayroong 10 satellite offices at two extension offices ang OVP.
“Our previous vice presidents only maintained a single office. With 10 satellite offices and two extension offices, that’s the likely reason why their lease expenses reached P53 million [in 2023 from P29 million in 2022]. And so we decided to bring it back to the 2022 level when the OVP only maintained a single office,” ani Quimbo.
Dahil sa ginawang pagtapyas ng mga kongresista, bumaba sa P32 milyon ang laan na pondo sa OVP para sa mga gastos sa renta sa 2025, mula sa orihinal nitong hinihingi na P80 milyon.
Sa alokasyon sa social programs ng OVP, ayon kay Quimbo, “Why do they have social programs that are apparently redundant. Why a medical assistance program when we have Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients under DOH (Department of Health)? Why have burial assistance [program] when there’s AICS under DSWD (Department of Social Welfare and Development)? These are tried and tested agencies for these kinds of programs.”
Una rito, naglabas ng ulat ang Commission on Audit (COA) tungkol sa gastos ng OVP noong 2023:
- lumobo ang gastos sa renta ng OVP sa P53 milyon sa 2023 mula sa P29 milyon noong 2022
- P600,000 lang ng P150 milyong pondo ang nagamit para sa Magnegosyo Ta Day
- nakakuha ang bawat 10 satellite offices ng P2.2 milyong advance maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (na P200,000)
- walang malinaw na guidelines sa pamamahagi ng mga bag at libro (Isang Kaibigan) sa mga estudyante
- 53 paaralan sa PagbaBAGo program (bag distribution) ang walang pre-determined list ng mga nakinabang
- may pre-signed forms ang mga estudyante na pagkumpirma ng pagtanggap ng mga bag bago pa maipamahagi
Ayon kay Quimbo, ililipat ang tinapyas na P1.29 bilyon ng OVP sa Department of Social Welfare and Development Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) at Department of Health’s Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients.
“In other words, these are the two very important social protection programs of the government. As you can see, almost equal amounts. And at the same time, I would like to note that this would include professional services," ani Quimbo.
"The professional services that we removed from the OVP budget will be transferred to the DSWD and DOH. In other words, if they have employees at the moment who are on job order or consultants who are helping the OVP implement these social programs, they will just be placed under another agency so we will [be able to] preserve jobs," dagdag niya.
Ang naturang rekomendasyon ng komite ni Quimbo ay aaprubahan pa rin sa plenaryo ng Kamara.
Hiwalay din na tatalakayin sa Senado ang pondo ng OVP.
Sakaling maging magkaiba ang alokasyon ng Kamara at Senado sa OVP, tatalakayin naman ito sa Bicameral Conference Committee, na kinabibilangan ng ilang kongresista at senador.
Hinihintay pa ng GMA News Online ang reaksyon ni Duterte sa rekomendasyon ng komite para sa pondo ng OVP.--FRJ, GMA Integrated News