Sa ulat ni Bea Pinlac sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabi ni Police Captain Joan de Leon na may mental at intellectual disability ang biktima kaya nahihirapan na itong tumayo, laging nakahiga o nakaupo sa wheelchair.
Hindi na rin nakapagsasalita ang biktima.
Lumabas sa imbestigasyon na nakitang umaaligid ang suspek malapit sa nakakandadong pintuan ng bahay ng biktima noong Setyembre 6.
Mag-isang naiwan ang biktima sa kanilang bahay nang may bilhin sa labas ang kapatid nito.
Sa pang-apat na beses na balik ng suspek, dito na niya nabuksan ang pinto ng bahay ng biktima.
Humingi ng saklolo sa mga barangay tanod ang isa nilang kapitbahay matapos makitang pumasok sa loob ng bahay ang suspek.
"Noong kanilang buksan nga 'yung pinto, dito na nila naaktuhan itong lalaki o 'yung suspek, nakapatong pa mismo roon sa biktima. Wala siyang saplot sa katawan, ganoon din 'yung biktima," sabi ni de Leon.
Kasalukuyan nang nasa bahay ang biktima matapos sumailalim sa medico legal examination.
Sinubukan ng GMA Integrated News na kunin ang pahayag ng suspek.
"Wala na rin po akong sasabihin, no comment po. Mixed emotion eh. Lungkot," sabi ng suspek, na sinampahan ng reklamong rape. --Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News