Dalawang babae ang nasawi matapos maaksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa panulukan ng Lacson at Tuazon sa Maynila nitong Martes ng umaga.

Sa ulat ni Manny Vargas ng Super Radyo dzBB, sinabing nangyari ang insidente dakong 5:00 ng umaga.

Sa paunang impormasyon mula sa mga tauhan ng Manila Traffic Bureau, sinabing may iniwasan umano ang mga biktima kaya nawalan sila ng kontrol sa motorsiklo sa pagdaan nila sa Nagtahan flyover patungo sa  España.


Bumangga ang mga biktima sa center island at tumilapon. Hindi nailigtas ng suot nilang helmet ang mga biktima.--FRJ, GMA Integrated News