Isang mananaya ang nanalo ng mahigit P150 milyon na jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Biyernes ng gabi, June, 21, 2024.

Ang mga lumabas na kombinasyon ay 08-24-15-44-04-58, na may kabuuang premyo na P150,307,791.20.

Mayroon namang 21 mananaya ang nanalo ng 2nd prize na may premyong P120,000.00.

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45, na mahigit P13 milyon ang jackpot.

Ang lumabas na mga numero ay 41-14-27-20-09-01, at may kabuuang premyo na P13,264,033.202.

Wagi naman ng P32,000.00 ang 21 mananaya na nanalo ng 2nd prize. --FRJ, GMA Integrated News