Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa isang footbridge sa Caloocan City nitong Linggo ng umaga.

Natagpuan ito sa gilid ng footbridge sa EDSA-A. de Jesus, ayon sa ulat ni Carlo Mateo sa Super Radyo dzBB.

Nakasuot ang lalaki ng T-shirt, asul na shorts, at tsinelas.

Iniimbestigahan na ng Caloocan Police kung may foul play sa pagkamatay nito.

Ipinagtataka rin ng mga pulis kung bakit hindi napansin ng ibang street dwellers ang bangkay.

Nagdulot naman ng traffic ang insidente dahil sa pag-uusyoso ng mga motorista. —KG, GMA Integrated News