Sa tindi kasi init ngayon, ang mga pagkain mabilis ding mapanis.
Ayon sa internal medicine at adult diseases specialist na si Dr. James Sta. Maria, kapag mainit ang temperatura, mas mataas ang kapasidad ng mga organisms na mag-germinate at dumami.
Kaya naman kung makakain ng panis na pagkain, posible aniyang makaranas ng food poisoning.
“Kapag may na-ingest po silang food na contaminated with the bacterial toxin na pwedeng mag-present ng symptoms sa pasyente…very obvious na kapag for example ang patient nagtatae kasi may nakain tapos may ibang mga persons na naka-ingest ng same food, and they actually present with same symptoms so most likely that’s food poisoning already,” aniya.
Dagdag ni Sta. Ana na kabilang sa mga sintomas nito ay ang pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae, depende sa anong klaseng bacteria, toxin o parasitic microorganism ang nakain ng pasyente.
Kaya naman payo ng doktor kapag nakaranas ng ganitong sintomas dalhin kaagad sa ospital ang pasyente.
“So, yung unang-una talaga naming gagawin diyan is keep the patient from dehydration, kaya kailangan po 'yung swero talaga and monitor 'yung mga electrolytes na lumalabas sa mga losses ng pasyente. Tapos doon mag u-undergo ng mga additional diagnostics,” sabi ni Sta. Ana.
Huwag din aniya mag self-medicate.
“‘Yung mga anti-motility o kaya let’s say for example yung mga pampa-stop ng dumi, let’s say for example mga loperamide, bawal na bawal pong mabigay sa kanila kasi mas pagagrabihin lang nila yung kundisyon ng pasyente,” sabi ni Sta. Ana.
Panatilihin din daw ang kalinisan pagdating sa food preparation at kung hindi pa naubos ang pagkain, ilagay muna ito sa refrigerator para maiwasan ang pagdami ng bacteria. — BM, GMA Integrated News