Nasa 142 online courses ang libre umanong iniaalok ng prestihiyosong Harvard University ngayong 2024.
Sa official website ng nasabing unibersidad, nakasaad na kabilang sa mga kursong iniaalok nila ang programming, history, data sciences, mathematics, at humanities.
Tatagal ang mga kurso ng isa hanggang higit 12 linggo, "and will be taught exclusively online, typically asynchronously to allow the learner to complete the work within a wider designated time frame."
Bibigyan din ng Harvard University ng free access sa materials sa bawat kurso ang mga mag-e-enroll, kabilang sa mga video at babasahin na inihanda ng mga instructor.
Kapag nakompleto ang kurso, maaaring magbayad ng fee ng mula P6,000 hanggang P17,000 kung nais na kumuha ng certificate of completion na verified ng unibersidad.
Kamakailan lang, inanunsyo ng University of the Philippines Open University ang kanilang 24 online courses na libre din. —FRJ, GMA Integrated News