Hiniling ni House Speaker Martin Romualdez sa kaniyang pinsan na si Senadora Imee Marcos na maging maingat sa mga binibitawang salita dahil kasama ang mga kabataan sa nakamasid sa kanila.
Ginawa ni Romualdez ang apela nitong Martes matapos ang patutsada ni Marcos sa ginagawang pagdinig ng Senado kaugnay sa hakbang na people’s initiative na paraan para amyendahan ang 1987 Constitution.
“Ang pakiusap ko lang kay Senator Imee. Hindi po kailangan ng bastusan. Pinakikinggan tayo ng mga kabataan at hindi magandang ehemplo ang ganito," sabi ni Romualdez sa kaniyang pahayag para kay Marcos, kapatid ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Ayon kay Romualdez, dapat manatili pa rin ang respeto at pagiging sibilisado sa pagtugon sa mga isyu.
“Family ties in Philippine politics are deeply rooted, and while differences in opinions are inevitable, it is essential to approach these differences with a spirit of constructive dialogue and mutual respect,” anang lider ng Kamara de Representantes.
“The phrase ‘Walang gamot sa kakapalan ng mukha mo’ as expressed by Senator Marcos, reflects a passionate stance on issues we both care deeply about. As public servants, our primary focus should always be on the welfare of our constituents and the progress of our nation. It is in this light that I choose to interpret her words as a call to engage more deeply in our shared commitment to serve the Filipino people,” ayon kay Romualdez.
Ginawa ni Sen. Marcos ang naturang pahayag nang ipagtanggol niya ang Senado kaugnay naman sa pahayag ng nagsusulong ng PI na hindi dapat makialam ang kapulungan sa people's initiative.
BASAHIN: Senators have no business over people's initiative? Imee fumes at statement
Nagpahayag ng suporta si Romualdez sa people’s initiative para amyendahan ang economic provisions sa Saligang Batas. Para sa diwa ng pagkakaisa at kooperasyon, sinabi ng kongresista na bukas siya sa "meaningful discussions with (the senator) to address any concerns and work together for the betterment of our country.”
“It is through open communication and collaboration that we can best serve the interests of our people,” dagdag ni Romualdez.
Nanawagan siya na itigil na ang bangayan at magtrabaho para sa mga mamamayan.—FRJ/GMA Integrated News