Hinuli ng mga awtoridad ang 101 na menor de edad sa Payatas dahil sa paglabag sa curfew ordinance ng Quezon City.
Ang ilan sa kanila ay nahuling nag-iinuman, walang damit pang-itaas, o pakalat-kalat sa kalsada, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.
Dinala ng mga tauhan ng pulisya at barangay ang mga menor de edad sa Payatas Covered Court.
Dito sila prinoseso at ipinatawag din ang kanilang mga magulang.
Ayon sa ordinansa ng Quezon City, bawal ang kabataan sa labas ng kanilang mga bahay mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. liban na lang kung may valid na dahilan. —KG, GMA Integrated News