Arestado ang isang lalaki sa Quezon City matapos niyang pagbantaan na ikakalat online ang mga pribadong larawan ng isang babae.

Sa ulat ng Super Radyo dzBB na iniulat din sa Unang Balita nitong Martes, sinabing nagbanta ang 55-anyos na suspek kung hindi makikipagkita ang babae sa kaniya.

Isinagawa ang entrapment operation ng mga awtoridad sa isang motel sa Quezon City matapos magsumbong ang babae.

Mahaharap sa patong-patong na reklamo ang suspek na sinusubukan pang kunan ng pahayag.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News