Natagpuang wala nang buhay ang isang matandang lalaki sa ilalim ng isang tulay ng Riverview Creek sa Barangay Balingasa, Quezon City nitong Lunes ng umaga.

Nakipag-inuman daw ang biktima na may edad 70 to 80 nitong Linggo ng gabi, bisperas ng Pasko, ayon sa ulat ni Allan Gatus ng Super Radyo dzBB.

Ayon sa mga kainuman niya, umalis daw ang lalaki para gumamit ng banyo ngunit hindi na siya bumalik.

Natanggap ng Quezon City Police Station 1 ang impormasyon tungkol sa katawan na nakita sa sapa bandang 6:00 a.m. ng Lunes, araw ng Pasko.

Iimbestigahan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang insidente. — Joviland Rita/RSJ, GMA Integrated News