Magiging maganda ang Pasko ng isang mananaya na nasolo ang P310-M jackpot prize sa Superlotto 6/49 draw nitong Martes, December 19, 2023. Pero ang P513 milyon jackpot sa Ultra Lotto 6/58, walang sinuwerteng manalo.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na isa ang winner na nakahula sa winning combination na 30-16-33-12-29-25.

Umaabot ang premyo nito sa P310,696,635.40.

Wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58, na ang lumabas na mga numero ay  33-30-43-32-27-57, at may premyong P513,100,080.40.

Wala ring tumama sa isa pang draw na Lotto 6/42, na ang lumabas na mga numero ay 32-05-23-31-21-06, at may jackpot prize na P16,945,607.40.

Sa 6D Lotto draw, wala ring tumama sa mga numerong 7-9-1-5-7-0, na aabot na ang premyo sa P1,799,204.04.-- FRJ, GMA Integrated News