Dinala sa pagamutan ang 21 estudyante nang sumama ang pakiramdam dahil sa food poisoning umano sa Talisay, Negros Occidental.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabi ng Talisay City Health Office na pangunahing sintomas ng Grade 3 students ang abdominal pain.

Lima pa sa kanila ang nakaranas din ng pagsusuka.

Kumuha na ang health office ng mga sample ng posibleng kinain ng mga estudyante upang suriin.

Sa kasalukuyan, bumuti na ang kondisyon ng mga bata, na agad ding pinauwi matapos gamutin.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamunuan ng eskuwelahan. --Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News