May pag-asa pang mapanalunan ang mahigit P132-M jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 matapos na walang manalo sa draw nitong Biyernes, November 17, 2023.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na ang lumabas na mga numero sa nasabing draw ay 45-10-02-20-28-58, na may kabuuang premyo na P132,646,041.80.

Wala ring tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45, na ang lumabas na mga numero ay 14-18-42-19-26-23, at may jackpot prize na P21,405,153.80.

Nitong Huwebes, wala ring tumama sa Superlotto 6/49 draw na ang lumabas naman na kombinasyon ng mga numero ay 12-49-16-45-25-03, at umaabot na ang premyo sa P140,932,693.80.

Magkakaroon ng bola sa Superlotto 6/49 sa darating na Linggo, pati na ang Ultra Lotto 6/58.-- FRJ, GMA Integrated News