Ito ang pahayag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, sa gitna ng pagdami ng mga namamalimos sa kalsada ngayong papalapit ang Pasko, ayon sa ulat ng GTV "Balita Ko" nitong Martes.
Ayon sa opisyal, posibleng maharap ang grupo sa kasong human trafficking kapag napatunayan na may nagsasamantala sa mga katutubo.
May nakalaan naman daw na programa ang DSWD para sagipin ang mga nanlilimos.
Inaalam ng ahensiya kung saan ang tirahan ng mga pamilyang namamalagi sa mga lansangan.
Habang mayroon ding mga taong-lansangan na nakukumbinsi na umuwi sa kanilang probinsiya.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News