Dalawang mananaya na tumaya sa Cebu at Sultan Kudarat ang maghahati sa mahigit P30 milyon jackpot prize matapos silang manalo sa Megalotto 6/45 draw nitong Miyerkules, Oktubre 25, 2023.

Batay sa post sa Facebook page ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na nabili ang mga winning ticket sa Consolacion, Cebu at sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ang lumabas na mga numero sa nasabing draw ay 04-34-02-28-42-20, at may kabuuang premyo na P30,052,036.20.

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw nitong Miyerkules na Grand Lotto 6/55.

Ang mga lumabas nitong mga numero ay 51-50-27-49-11-24, at may nakalaang jackpot prize na P51,550,894.80.

Ngayong Huwebes, Oktubre 26, may draw para sa Super Lotto 6/49 na P15.8 milyon ang premyo, at Lotto 6/42 na P22 milyon ang jackpot prize. -- FRJ, GMA Integrated News