Nasawi ang isang lalaki nang aksidente siyang mabaril ng kaibigan na napagkamalan siyang unggoy sa Libungan, Cotabato.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing ikinuwento ng kaanak ng biktima na nagkayayaan sila ng kaniyang kaibigan sa bundok para mangaso.

Noong nasa masukal na lugar na sila, napagkamalan ng kaniyang kaibigan na isang unggoy ang biktima kaya siya binaril.

Hindi na naisugod pa sa ospital ang biktima dahil malayo ang kanilang napuntahan sa bundok.

Bilang mga miyembro ng tribong Arumanen Manobo, ang kanilang mga tribal leader ang nag-ayos ng problema. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News