Umani ng mga puna at nag-viral kamakailan ang job posting ng Potato Corner dahil sa "insensitive" umano ang mga inilagay nitong qualifications.
Sa post na inalis na ng Potato Corner, nakasaad sa mga katangian na hanap nila sa tatanggaping service crew member ay may "good visual impact," "weight must be proportionate to height," at dapat mayroong "clear complexion, eyesight and [a] good set of teeth."
Ilang netizens ang nadismaya at ginawang katatawanan ang naturang post bago naalis ng Potato Corner.
Sa isang pahayag na ipinadala sa GMA News Online ngayong Lunes, inihayag ng pamunuan ng Potato Corner na "We deeply regret the oversight in the job posting."
"We, together with our business partners, are working to ensure that such incidents will not happen in the future," patuloy nito.
"At Potato Corner, we firmly believe in the value of diversity and inclusion, true to what the brand provides to our cherished guests and valued business partners," sabi pa sa pahayag.
"We do not support or condone discriminatory hiring practices," paglilinaw pa ng Potato Corner. — FRJ/KG, GMA Integrated News