Trending ang pag-slay ni Marian Rivera sa kaniyang entry sa “Price Tag” TikTok challenge, sa pagdiriwang na rin ng kaniyang ika-39 kaarawan nitong Sabado.

Sa kaniyang TikTok video na mapapanood din sa Chika Minute ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend, makikita ang smooth na galaw ni Yan, suot ang kaniyang streetwear outfit at cap, na pinuri ng netizens.

Pinost niya ito sa bisperas ng kaniyang kaarawan, na meron nang mahigit 30,000,000 views.

Bumuhos din ang mga pagbati para sa kaniyang ika-39 kaarawan.

 

@marianrivera Try lang ???? #MarianRivera #FYP ? original sound - MarianRivera

 

May matamis na mensahe rin ang asawa niyang si Dingdong Dantes.

“Stepping through the rhythms of life hand in hand, every moment with you is a graceful dance that never misses a beat,” matamis na caption ni Dingdong.

 

 

Nagbahagi rin si Dingdong ng video ni Zia na inaawitan ang kaniyang ina nitong Sabado.

Inilahad ni Marian ang kaniyang wish para sa kaniyang birthday.

“Masyadong madami. Sana magtuloy-tuloy itong mga pagte-taping, maraming masaya. Sobrang thankful ako kasi dito sa set namin parang 24 oras nakatutok sila sa akin at inaalagaan ako,” sabi ni Marian, na may upcoming GMA series na “Against All Odds.” — DVM, GMA Integrated News