Isang mananaya ang masuwerteng tinamaan ang mahigit P87 milyon jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Martes, August 8, 2023.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na ang lumabas na mga numero ay 18-22-30-55-26-05, na may kabuuang premyo na P87,051,450.20.

Sa Facebook page ng PCSO, nakasaad din na 16 na mananaya ang tumama ng second prize na P120,000.00.

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Super Lotto 6/49.

Ang lumabas na mga numero ay  45-01-28-33-19-12, at may kabuuang premyo na P19,066,787.80.

Isang mananaya naman sa 6D Lotto ang nanalo ng P401,578.00, matapos niyang tamaan ang lumabas na mga numero na 2-2-2-7-0-3.

Alamin ang iba pang resulta sa lotto. --FRJ, GMA Integrated News