Patay sa saksak ang isang person deprived of liberty (PDL) sa loob ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Romelito Dural, 50 anyos.

Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Dural at ang suspek na si Mark Menggulio hanggang sa mauwi sa saksakan.

Dead on arrival sa ospital ang biktima.

Depensa ng suspek, matagal na umano siyang binu-bully ni Dural at hindi na raw siya makapagtimpi kaya niya nagawa ang krimen. —KBK, GMA Integrated News