Patay ang pahinante ng isang closed van matapos mabangga ng pampasaherong bus sa Buendia, Makati City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Batay sa salaysay ng driver ng closed van, nasiraan sila kaya kailangang itulak ng kaniyang pahinante ang sasakyan.

Doon na raw nabangga ng bus ang biktima.

Hawak na ng mga otoridad ang driver ng bus. —KBK, GMA Integrated News