Panalo ng halos P43 milyon ang isang mananaya nang mahulaan niya ang lumabas na mga numero sa Megalotto 6/45 draw nitong Lunes ng gabi, July 17, 2023.

Ang lumabas na mga numero ay 31-13-10-37-34-18, na may kabuuang premyo na P42,900,615.40.

Huling tinamaan ang jackpot sa Megalotto 6/45 ng isa ring mananaya noong June 26. Nabili ang winning ticket mula sa Wao, Lanao del Sur.

Samantala, wala namang mapalad na tumama sa kasabay nitong draw na Grand Lotto 6/55.

Ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay 55-35-42-23-11-01, at may premyong P29,700,000.

Please see other lotto results here.  --FRJ, GMA Integrated News