Nasaksihan ng Western Australia, East Timor at Eastern Indonesia ang pambihirang hybrid solar eclipse, o dalawang uri ng solar eclipse.
 
Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing tinawag itong hybrid dahil sa nasaksihang total at annular eclipse.
 
Samantala, partial solar eclipse lamang ang nasilayan sa Pilipinas, na nagsimula bandang tanghali.


Gayunman, hindi ligtas tingnan ang solar eclipse kaya gumamit ng glasses na may proteksyon sa mga mata laban sa peligrosong sinag ng araw.

Hindi rin gagana ang sunglasses at welding glasses.  —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News