Si Arnold Schwarzenegger na mismo at ang kaniyang team ang kumilos para tapalan ang mga lubak na sakit sa ulo sa Brentwood sa Los Angeles, Amerika.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing ang Hollywood actor at dating Californian governor na mismo ang tumugon sa reklamo roon tungkol sa mga lubak sa daan.
Tinapalan ni Arnold at ng kaniyang team ang mga lubak na ilang linggo nang pasakit sa dumaraang mga motorista. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News