Arestado ang dalawang katao matapos mabisto ng mga awtoridad ang isang pagawaan ng mga pekeng lisensya ng baril sa Recto Avenue sa Maynila.
Sa ulat ni Jun Veneracion sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nasabat din ang mga makalumang gamit na ginagamit ng mga suspek sa pamemeke ng lisensya.
Lumabas sa imbestigasyon ng Philippine National Police Civil Security Group na P1,500 ang singil sa mga nagpapagawa ng pekeng license to own and possess firearms.
Bukod dito, tinatrabaho pa ng mga awtoridad ang iba pang sangkot sa pamemeke ng lisensya para sa baril. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
Pagawaan ng pekeng lisensya ng baril, bistado sa Recto; 2 katao huli
Abril 14, 2023 12:42pm GMT+08:00