Isang robot na kamukhang-kamukha ng 93-anyos na Japanese artist na si Yayoi Kusama ang makikita ngayon sa isang shop sa New York sa Amerika.
Sa video ng Next Now, sinabing lumilinga-linga at kumukurap pa habang nagpipintura ang naturang robot.
Bahagi raw ito ng collaboration ni Kusama sa luxury fashion brand na Louis Vuitton.
Ang installation ay inilagay sa shop na nasa 5th Avenue sa New York.
Mabilis itong nag-viral dahil sa realistic na hitsura ng robot na nagpapakita rin ng emosyon.
Si Yayoi Kusama ang tinagurian princess of polka dots dahil sa paggamit niya ng hugis bilog sa kaniyang mga obra.
Galing daw ito sa kaniyang mga hallucinations. Naninirahan si Kusama sa isang psychiatric facility simula pa noong 1977.
Dahil sa robot na kamukhang-kamukha niya, muling nabuhay ang interes sa Artificial Intelligence at humanoids na nakokopya ang mga tao.—Mel Matthew Doctor/LDF, GMA Integrated News