Patay ang isang driver na tumalon mula sa naaksidenteng payloader truck matapos siyang magulungan nito sa Lobo, Batangas.
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, na iniulat din sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabi ng pulisya na nawalan ng kontrol ang truck habang umaakyat sa matarik na kalsada.
Dahil dito, tumalon ang driver pero nagulungan siya sa kasamaang palad.
Tutulong sa mga bayarin sa libing ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ng biktima. — Jamil Santos/DVM, Integrated News